Spelade
-
Ang pag-ibig daw dapat hindi minamadali. Hindi dapat hinahanap dahil kusa naman daw darating. Pero paano naman na sa sobrang paghihintay mo sa love eh napag-iwanan ka na ng iba? Hahanapin mo na ba si Love o hihintayin mo pa rin?
-
Ilang dekada na ring nagmamahalan si Rod at Julia hanggang sa magkaroon ng Early-Onset Alzheimer's Disease ang huli. Simula noon, walang ibang ginawa si Rod kun'di mas lalo pang mahalin at alagaan ang natatangi niyang pag-ibig.
&nb -
Matagal nang kilala ni Erik ang babaeng kanyang papakasalan, si Leonor. Kaya nang bawian ito ng buhay, hindi siya magawang pakawalan ni Erik. Pero sabi nga ni Sofia na nakaranas ng parehong pangyayari, hindi mo kailangang palayain ang taong mahal mo kapag nawala siya sa iyo, sarili mo ang dapat mong palayain sa lungkot, sakit, at lumbay nang sa gayon ay matuto ka kung paano maging masaya ulit. Pakinggan ang kwento ni Erik sa Barangay Love Stories.
-
First love ni Anne si Jeff, first relationship din. Pero kahit na gaano nila kagusto ang isa't-isa dahil hindi buo ang loob nila na ipaglaban at panatilihin ang pag-ibig na meron sila, nauwi rin ito sa hiwalayan. Sa muling pagsisimula ni Anne, babalik ulit si Jeff pero si Anne may bago nang karelasyon at hindi siya masaya, kaya tatanggapin niyang muli si Jeff. Pakinggan ang kwento ni Anne sa Barangay Love Stories.
-
Katulad ng marami, sinubukan ni Matt na makipagsapalaran sa Maynila sa pag-asang kikita siya nang mas malaki rito. Pero kakarating pa lang niya sa siyudad at wala pa nga siyang nahahanap na trabaho ay nadisgrasya agad si Matt! Pakinggan ang kwento ni Matt sa Barangay Love Stories.
-
Lahat ng bagay ay pinaghihirapan, lalo na ang pag-ibig. Ngunit nang ma-realize ni Allen na mukhang hindi siya ang tamang lalaki para sa pinakamamahal niyang si Ria, sinukuan niya na lang ito. Pakinggan ang kwento ni Allen sa Barangay Love Stories.
-
Handa na sanang magpakasal si Randy sa kanyang girlfriend na si Jaya pero para makapag-ipon, nag-abroad muna siya. May mga tuksong lumapit pero naging matapat si Randy dahil ganun din ang inaasahan niyang ginagawa ni Jaya sa Pilipinas. Pakinggan ang kwento ni Randy sa Barangay Love Stories.