Spelade
-
Hanggang ngayon ba dala dala mo pa rin ang mga patay na bulaklak sa buhay mo? Ang patay na bulaklak na aking tinutukoy ay ang mga bagay o tao na hindi mo pa mabitawan sa buhay mo. Umaasa ka pa rin kahit alam mo sa sarili mong tapos na at wala nang magagawa pa. Madalas tayong umaasa na MABUBUHAY pa natin yung bulaklak, pero ang totoo ay hindi na sapagkat matagal nang patay yung bulaklak na pinanghahawakan mo. WATCH ME ON YOUTUBE ⏩: shorturl.at/djBKX
-
Isa ka bang gripo kung magmahal? Kadalasan sa atin, ay madali ma “attach” kaya’t kapag tayo ay na-attach sa isang tao, labis na mamahalin natin iyon, na handa tayong gawin ang lahat para sa taong iyon. Ngunit, hindi natin nararamdaman na nawawala na pala natin ang sarili natin sa sobrang pagmamahal natin sa kanila. Sa episode na ito, nagbigay ako ng “bagay” para maalala mo sa araw araw ang leksyong ito. Maging tasa ka, kumpara sa pagiging gripo. Wag kang magmahal nang sobra, lagyan mo ng limitasyon. Dahil kung hindi, walang matitira para sa sarili mo. ⏩ WATCH ME ON YOUTUBE shorturl.at/djBKX
-
Kapag ramdam nating magulo ang buhay natin, dinadamay na rin natin ang mga sarili natin. Mga linyahang “My life is messed up” pwedeng mag turn into “I am a mess”. At sa tuwing nakakaramdam tayo ng ganitong bagay, pakiramdam natin wala nang magagawa tama, wala nang pupuntahan. Sapagkat ang katotohanan, tayo ay NABULAG. Nagsara ang ating puso’t isipan sa pinaka importanteng bagay sa buhay. Sa episode na ito, nagbigay ako ng bagay nang sa gayon ay hindi mo na sinasabi sa sarili mo na “My life is messed up” o “I am a mess” ⏩ WATCH ME ON YOUTUBE: shorturl.at/djBKX
-
Minsan ba nagtaka ka na kung bakit lahat na lang ng tao, iniiwan ka? Sapagkat hindi natin namamalayan na ginagawa natin ito sa maling paraan. Kapag gusto natin ang isang tao, gagawin natin ang lahat para lamang sila ay manatili. Mahilig tayong magpumilit sa ating mga kagustuhan. Kapag tayo ay iniwan, kadalasan ay naghahabol pa tayo. Nang dahil rito, mas lalong mapapalayo ito sa atin, dahil maling paraan ito. Sa episode na ito, pinag usapan ko kung bakit ito patuloy na lumalayo kung pinipilit mo at kung ano nga ba talaga ang tamang paraan. ⏩ WATCH ME ON YOUTUBE: shorturl.at/djBKX
-
Ano yung mga bagay na HULI mong iniisip BAGO mo ipikit ang mga mata mo para matulog sa gabi? Maging aware ka dito, dahil labis ka nitong maiimpluwensiyahan. Sa episode na ito, nagbigay ako ng “technique” para kahit papano makontrol mo yung mga “biglaang negatibong bagay” na pumapasok sa isipan mo. Ang utak natin ay isang “mansiyon at may gate”. Kung curious ka rito, makinig ka na. Nagbigay rin ako ng katotohanan para mas maging maingat ka para sa sarili mo, “The last thoughts we put into our minds definitely influence us” -Zig Ziglar. ⏩ WATCH ME ON YOUTUBE: shorturl.at/djBKX
-
May nais ka bang makamit? Kadalasan sa atin, ay ninanais lamang yung “bagay” na mismong kinakailangan natin. Kaya’t hindi natin nakikita yung isa pang “bagay” na dapat mayroon tayo, upang makuha natin yung “bagay” na hinihiling natin. Kadalasan, hindi mo narerealize na ito ay kagustuhan mo lamang at walang kasamang pagmamahal. Sa episode na ito, halina’t pag usapan natin ang pinaka mahalagang bagay na dapat mayroon tayo sa bawat bagay na ginagawa natin, at yun ay ang LOVE O PAGMAMAHAL. ⏩ WATCH ME ON YOUTUBE: shorturl.at/djBKX