Avsnitt
-
Sa episode 28 aking nakapanayam si Mitzi, ang aking roomie na hindi ko naman tunay na naging roommate. 😆
Nagchikahan kami tungkol sa kanyang trabaho as a freelancer at ang kanyang buhay as a cafe owner na sumusuporta sa local artists ng Paete. 💗 Napagkwentuhan din namin ang kanyang experience mag-asawa, kasama syempre ang love story nila ng kanyang hubby na minsang nabura sa kanyang alaala. 😂
Yan at marami pang iba dito lang sa napaka-overdue na episode ng podcast ng mga OP! -
Sa episode 27 ng ating mumunting podcast, aking nakapanayam ang isa sa pinakamamahal kong kaibigan, ang aking morning telebabad kachika na si Andei! Kinwento niya sa akin ang kanyang buhay as a victim of Philippine poverty, tulad ng maraming Pilipino 😟
Napagusapan namin ang kanyang pagkabata, pamilya, pagiging ex-Math major 🤯, mga sama ng loob sa UP, life choices, at kung anu-ano pa. Makinig at kilalanin ang aking mystery best friend 😆 -
Saknas det avsnitt?
-
Sa ika-26 na episode ng Ordinary People, nagkwentuhan kami ng aking kaibigan mula sa Kalayaan Residence Hall (ang freshie dorm ng UP Diliman) tungkol sa kanyang buhay sa probinsya, unconventional life choices, astrology, hobbies, at marami pang iba!
Ano na nga ba ang ginagawa nitong kaibigan ko "from a lifetime ago" na kapwa ko Pisces? Makinig na at makichika!
-
Sa episode 25, nagbabalik ang aking kaibigan na si Tita Ella para ikwento sa atin ang kanyang naging karanasan sa kanyang second trip sa Korea kung saan siya ay sumali sa Seoul Illustration Fair 🥳
At bilang nagpakaturista din sya sa Land of Bangtan, marami syang opinion tungkol sa Instagram Reels at kung paano nagbago ang travel after ng pandemya. Nagchikahan din kami tungkol sa friendships in adulthood, Barbenheimer, character strengths, healing your inner child, real self-care, at maraming marami pang iba. Makichika naaaa! 😎 -
Sa panibagong episode ng Ordinary People (makaraan ang halos isang buwan!!!), aking nakapanayam ang isang kaibigan mula sa pinakaunang kumpanyang pinagtrabahuhan ko: si Gwen!
Samahan kaming magreminisce tungkol sa aming call center days noong panahon ng emo, PSP, Ragnarok Online, at Yahoo Messenger! 🫣 Nagchikahan din kami tungkol sa trabaho, pagkakaibigan, pagbabanda, photography, at kung anu-ano pa! Matagal na mula nung huli kaming magchikahan kaya pasensya na at inuna pa namin ang chismisan bago seryosohin yung interview. 🤪
Makinig at kilalanin ang number one fan ng Ordinary people! 🥳 -
Sa episode 23, inyong makikilala ang isa sa aking mga pinakamatalik na kaibigan: ang napakabait at napakasoft spoken na si Natz! 💖
Nagkwentuhan kami tungkol sa kanyang trabaho, at sa aming common experience of growing up in scarcity, pati na ang kaakibat na trauma at sense of duty na kasama nito, as an Eldest Daughter in an Asian Household™. 🫣
Nagpalitan din kami ng kwento at perspectives tungkol sa pera, boundaries, maling paggamit ng “therapy talk”, self-care, dealing with the loss of a dear friend and the grief that accompanies it, at marami pang iba.
Huwag mag-alala! Hindi nakakalungkot yung kwentuhan namin, pramis. 😆 -
Sa episode 22, inyong makikilala si Miguel, isang high school teacher na ang childhood dream ay maging tulad ni Indiana Jones! 😆
Kinwento nya sakin kung paano sya nauwi sa pag-aaral ng Sociology, at eventually, sa pagtuturo. Nagchikahan din kami tungkol sa kanyang interes sa sports, kakulangan ng grassroot support sa mga sports na hindi volleyball at basketball, 90s commercials, love life, at marami pang iba! Umabot pa sa ideya nya ng ideal society. Gusto nyo yon? 😂
Makinig na at kilalanin ang lalakeng ayaw sumikat, dito lang sa Ordinary People!
-
Welcome sa ika-21 na episode ng Ordinary People! Sa episode na ito, aking nakapanayam ang aking kaibigan na si Joy na may punctuation marks sa kanyang pangalan!
Kinwento ni Joy kung paano sila nagkakilala ng kanyang tunay na pag-ibig at ang kanyang pinagdaanan sa pagbubuntis sa kanyang unico hijo. Bakit ba kasi ang hirap maging babae?! Nagchikahan din kami tungkol sa pagkakaroon ng ADHD at ang kaakibat nitong executive dysfunction at anxiety.
Yan at kung anu-ano pa sa bagong episode ng podcast nating mga ordinaryong tao!
-
Sa ika-dalawampung episode ng Ordinary People, muling nagbabalik ang ating podcast admin/manager na si Yoyen para ikwento ang kanyang naging karanasan bilang panganay na anak na babae ng isang napakakalat at napakalabong nilalang. Bakit ba kasi nagpapakasal yung mga taong hindi naman pala kayang maging monogamous?
At dahil pareho kaming may problematic fathers, nagpalitan kami ng kwento at ginawang therapy session na naman yung podcast. 😂
Samahan kaming magalit, malungkot, manghinayang, matawa, at magluksa dito lang sa podcast kung saan bida ang mga pangkaraniwang tao!
Disclaimer: Hindi 'trauma bonding' ang tawag sa ginawa namin sa episode na 'to! Bonding lang sya tungkol sa aming trauma hehe.
Actual trauma bonding, according to this article from Psychology Today:
lives in the nervous system. The brain makes associations between “love” and abuse or neglect. is a hormonal attachment created by repeated abuse, sprinkled with being “saved” every now and then. in adulthood can stem from childhood trauma. -
Sa ika-labingsiyam na episode ng ating mumunting podcast, aking nakapanayam si Cho, na ni-refer-a-friend ni P.M. Yoyen 😁
Kinwento nya sakin ang prophesy ng isang random tita/lola sa probinsya nung bata sya na sya daw ay magkakasakit ng matindi! 😳 Any guesses kung anong sakit yun?
We also talked about great loves, grief, recovery, at maraming marami pang iba! Samahan kaming magreminisce sa aming college life as both tambays sa labas ng UP Main Lib, at magpalitan ng kwento about loving, losing, and becoming. 🩷 -
Welkam sa isa na namang episode ng Ordinary People, featuring ang isa na namang not-so-ordinary person. Magpalit na kaya ko ng title? Char!
Meet Drew, ang aking kaibigan na kasalukuyang nag-aaral sa UK at sumasideline bilang model ng sibuyas. Char lang ulit! 🤪
Sa episode na ito, nagkwentuhan kami ni Drew tungkol sa kung bakit nya piniling mag-aral ng English Studies at magmajor in Anglo-American Literature noong college kahit na (feeling nya) hindi sya magaling sa English. 🤔 Tinanong ko din sya tungkol sa kanyang interests, at shempre sa kanyang pagkabata sa QC/Caloocan. Napagusapan din namin ang kanyang origin story bilang K-pop at K-drama fan. 🇰🇷
Kilalanin si Drew at alamin kung ano ba talaga ang ginagawa nya sa bansa ni Princess Sarah!
-
Sa episode na ito, nakilala ko ang isa sa mga nakababatang kapatid ng ating podcast manager na si Yoyen, si Issa!
Kinwento niya kung bakit pinili nyang hindi magtrabaho sa ospital kahit na sya ay registered nurse, at kung bakit hindi din sya nagaabroad. Ibinahagi din niya ang kanyang naging karanasan as a super typhoon survivor. 😰 Nagpalitan din kami ng kwento tungkol sa pagiging babaeng anak ng mga babaero 👀 at ang very real na struggle ng pagkakaroon ng PCOS.
Yan at marami pang iba sa episode 17 ng Ordinary People! -
Sa episode 16 ng Ordinary People, aking nakausap ang isa sa mga kabarkada ko nung high school na si Noriel! Nagreminisce kami tungkol sa aming mga karanasan noong high school at college, at nagkwentuhan tungkol sa kanyang buhay noon at ngayon—pag-ibig, pamilya, trabaho, mga kalokohan noong kabataan, at kung anu-ano pa!
Bakit nga ba nya inakala na magiging patapon na sya? Anyare, koya? 🤔 -
Sa episode na ito, nakakwentuhan ko ang aking mabuting kaibigan at kapwa Piscean-INFP na si Alex! Halos dalawang oras kaming nagchikahan tungkol sa kanyang pagkabata sa UP Diliman, Disney cartoons, Ghost Fighter, dial-up internet, Filipino food, ang bulok na sistema ng kapitalismo, at maraming marami pang iba!
Tinanong ko din siya kung bakit niya napiling mag-major in Visual Communication sa College of Fine Arts, at ang feelings nya toward being in her mid-thirties. Samahan kami sa isang napakachill (ngunit napakahaba hahahaha) na catch-up session sa episode 15 ng podcast ng pangkaraniwang tao. Kinig na!
-
Sa episode na ito, makikilala natin ang ating kababayan sa UK na si Mabelle! Nagkwentuhan kami tungkol sa kanyang pagkabata, ang buhay ng kanilang pamilya sa Batangas, kung paano sya naging nurse, at ang naging karanasan niya bilang nurse sa UK sa gitna ng COVID-19 pandemic. Kumusta nga ba silang mga nasa frontline? Paano nila inalagaan ang mga sarili nila habang nag-aalaga rin ng mga pasyente? 😔 Yan at marami pang iba sa episode 14 ng Ordinary People!
-
Sa ika-labing tatlong episode ng Ordinary People, aking nakapanayam si Sha, heiress to the Iced Gems empire. Char! We talked about what it was like to grow up as a Filipino-Chinese and how she used to hide parts of herself to feel safe within a conservative environment. Kinwento nya rin sakin ang love story nila ng kanyang better half, her relationship with water, identity, queerness, and many more! Kinig na at kilalanin si Sha, the gentle soul with a deep voice 😄
-
Sa episode na ito, nakachika ko ang aking kaibigan na si Jei, na kasalukuyang nakatira sa malayong lupain dito sa Japan. Kinwento nya kung paano sya nakarating ng Japan at kung bakit goal na nya ang tumira at magtrabaho sa Japan mula pa nung bata sya. But more importantly, kung paano sila nagkakilala ng kanyang Japanese boyfriend of six years! Ready na ba kayong kiligin? Kasi ako I was born ready for kilig stories hihihi 🤭
-
In this episode of Ordinary People, I had the opportunity to speak with Mirko (also one of my husband’s best friends) who lives in Germany. Mirko is German, so walang choice ang tita nyo kundi interbyuhin sya in English. The struggle was real mga besh. 😂
Mirko and I talked about what it means to be an ordinary person in Germany, his childhood, living and working in the Philippines, Filipino time, his favorite karaoke songs, at marami pang iba! 🥳
Sorry in advance sa paulit-ulit na “that’s good” at “that’s nice” at sa aking awkward laugh! 🤣 -
Sa milestone episode na ito, nakausap ko ang aking kaibigan na half-Filipino-half-colonizer (🤣) na si Carlos. Nagkwentuhan kami tungkol sa kanyang buhay sa Spain, the balancing act of being both Filipino and Spanish, finding social belonging, the challenge of finding a good therapist, at kung anu-ano pa!
Kilalanin ang isa sa pinakamatalik na kaibigan ng aking asawa sa kanyang first ever podcast guesting at kayo ang humusga kung siya ba ay ordinaryong tao talaga! 😁
-
Sa episode na ito, nagchikahan kami ng aking kaibigan at dating alipin (long story na di na namin maalala 😂) na si Gene!
Halos isa’t kalahating oras na kwentuhan tungkol sa college memories, pagiging probinsyana, pagtuturo, life lessons, at ang past life ni Gene as a Mulawin 🦅🤣
Sorry in advance sa mga tenga ninyo dahil ang lakas ng tawa ko sa episode na to. Sana kayo din. 😆 - Visa fler