Avsnitt
-
Saknas det avsnitt?
-
Aired (June 16, 2026): Sa isang eksklusibong panayam kay Tito Boy, binalikan ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee ang ilan sa mga kontrobersyang kanyang hinarap sa mga nagdaang taon. Kabilang dito ang kanyang pag-amin bilang bisexual, ang mga batikos na kanyang natanggap matapos manalo bilang 'Miss Universe Philippines 2023', at ang isyung kinasasangkutan niya kaugnay ng dating driver ni Rhian Ramos. Tutukan ang kanilang naging kuwentuhan at alamin ang iba pang detalye sa video.
-
Aired (June 15, 2026): Ang Chinese actress na si Zhang Yifei o mas kilala bilang ang sikat na fictional character na si Linda Walker, makakapanayam ni Tito Boy sa #FastTalkwithBoyAbunda.
-
Aired (June 12, 2026): Bumisita sa Fast Talk with Boy Abunda ang cast ng Home Along Da Riles na sina Claudine Barretto, Boy2 Quizon, at Vandolph Quizon upang makipagkwentuhan kay Tito Boy tungkol sa detalye ng kanilang reunion movie, mga alaala kay Dolphy, at ilang update sa kanilang personal na buhay, kabilang ang love life.
-
Aired (June 9, 2026): Dumalaw sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ang cast ng pelikulang 'Open Endings' na sina Janella Salvador, Klea Pineda, Leanne Mamonong, at Jasmine Curtis-Smith upang ibahagi ang detalye ng kanilang pelikula at talakayin ang temang queer love na tampok dito.
-
Aired (June 8, 2026): Ang 'StarStruck Season 3' cast member at dating Kapuso actress na si Iwa Moto, pormal nang inanunsyo ang engagement kay Pampi Lacson. Ang ilang detalye ng kanilang kasal ay ibabahagi niya sa video na ito. #FastTalkwithBoyAbunda
-
Aired (June 3, 2026): Sa muling pagbisita ng award winning actor na si Cesar Montano sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ay muli siyang nakipag-kuwentuhan kay Tito Boy tungkol sa mga pinagkakaabalahan niya sa buhay, ang lagay ng puso niya ngayon, at ang digitally-restored and remastered niyang pelikula na 'Muro-Ami' na muling mapapanood ngayon sa mga sinehan.
-
Aired (June 2, 2026): Bumisita sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ang mag-inang 'Chito' at 'Elsa', na ginagampanan nina Jake Vargas at Manilyn Reynes, upang pag-usapan ang pagdiriwang ng ika-16 na anibersaryo ng 'Pepito Manaloto.' Nagbahagi sila ng mga kuwento tungkol sa kanilang samahan sa loob at labas ng set, habang ikinuwento rin ni Jake ang ilang detalye tungkol sa kanyang personal na buhay.
-
Aired (May 29, 2026): Muling nakipagkwentuhan ang veteran actress na Janice de Belen kay Tito Boy sa 'Fast Talk with Boy Abunda' tungkol sa kanyang buhay ngayon bilang empty nester, ang love life ng kanyang mga anak, at ang posibilidad ng panibagong pag-ibig sa kanyang buhay. Tutukan ang kanilang kwentuhan sa video. #FastTalkWithBoyAbunda
-
Aired (May 28, 2026): Ang mga kontrabida ng ‘Kamao’ na sina Wendell Ramos at Bruce Roeland, makikipagkuwentuhan kay Tito Boy tungkol sa kanilang karanasan sa pagmomodelo, pagiging certified hunks, at iba pang kuwento tungkol sa kanilang personal na buhay at karera. Tutukan ang lahat ng ito sa video! #FastTalkwithBoyAbunda
-
Aired (May 26, 2026): Sa muling pagbisita ni Cristine Reyes sa 'Fast Talk With Boy Abunda,' ibabahagi niya kay Tito Boy ang kuwento kung paano nag-propose ang kanyang nobyong si Gio Tingson at kung paano nga ba nagsimula ang kanilang love story. Tutukan ang kanyang buong kuwento sa video.
-
Aired (May 25, 2026): Ang 'Apoy Sa Dugo' stars na sina Elle Villanueva at Ashley Ortega, ibabahagi ang kanilang mga nag-aalab na relasyon sa kani-kanilang mga nobyo. Panoorin ito sa kanilang kuwentuhan kasama si Tito Boy! #FastTalkwithBoyAbunda
- Visa fler